
Talumpating Binigkas Ng̃ Bb. Pilar J. Lázaro
Hipolito Sa Look Ng̃ Bagumbayan,
Alang-alang Sa Ika Sampung
Taón Nang Pagkakabaril Sa
Ating Bayani.
Bayan cong pinacaiirog: Ang unang pinasasalubung̃an ng̃ maligayangpagbati at pagpipitagan, sampu ng̃ lahat ng̃ mg̃a napipisan, lalonglalo na ang mg̃a ginoong bumubuo ng̃ pagpapaonlac sa carang̃alán ng̃dakilang Rizal na casalucuyang ipinagdidiwang ng̃ capuluang Filipinas,cayo'y hinahandugan ng̃ayon ng̃ di mabilang na pasasalamat, sanhi ng̃pagcatanim sa kaibuturan ng̃ puso ng̃ araw na itong di co rinnililimot.
Baga man culang pa sa tapat na cagulang̃an ang cutad na pag-iisip saPáhiná 4tungculing ng̃ayo'y ipinamahala, datapuwa, pinagtamanan cahit anonghirap, macatupad lamang sa adhica ng̃ mg̃a capatid sa mabigat napasaning aco'y maging isa sa magpapaonlac, sa pamamag-itan ng̃ bigcás,gayon sa pamimintuho sa Bayan cong kinamulatan.
Cung ang pupulas sa labi sa oras na ito ay culang sa timyas, angmadlang nai-ipon na ang macatataroc ng̃ lalim ng̃ aking pagcapahat,ng̃uni magi-ging isang pamucaw, isang pagcantig sa pintuan ng̃calooban, bagay sa caramihang nagwawacsi pa ng̃ tunay na damdamin atsumasampalataya sa hiduang aral ng̃ mg̃a nagcucubling halimaw na nagaanyon mabait, bago'y caaway ng̃ cagaling̃an, na di pa nasiyahan satinalicdang pagtatamasa ng̃ mg̃a cahirapan, cundi bagcus namamalagtassa lalong pag-api at pagdustang nacalalagim sa isang hindi nang̃imi sacamatayan macapagbucás sa tulóg na loob ng̃ canyang cababayan, atnaging mananacop ng̃ Filipinas sa paghahayin ng̃ buhay ng̃ icatutubóssa tanán, ng̃uni, ¡anong hapding salang̃in! ¡anong pait namnamin! cungmadilidiling yuco sa dating caugalian ang pinaghabinlang ilán ng̃canyang mg̃a talinghaga.
¿Ibig ninyong makilala? ¡ah! wala acong carapatang tumurol at sucatna lamang ipatalastas ang nacapanghihilacbot na usapan ng̃ mg̃a lahingLacandula rin, upang mang̃akilalang sila'y dapat pacasumpain, naanila'y: Si Rizal ang tunay na may casalanan at nagcalat ng̃caguluhan at cahirapang tinatangkilic ng̃ayon ng̃ Bayan, mg̃apang̃ung̃usap na di napag labanan ng̃ puso cong iwi at naramdamanglumuha ng̃ dugó, at naipucol naman tuloy ang wicang: bakit hindimang̃atal at mapipi ang cumacatal ng̃ walang catotohanan; datapua'tng̃ macapaghunos dili sa paglalatang ng̃ galit sa sumandaling iyon aydagling binawi at pinapaghari ang capatawarang naisigao ang mahalagangbigcas ng̃ Póong si Jesús, ng̃ napapaco sa Cruz ng̃ casalanan: Diosco sila'y patawarin mo sapagcat hindi nalalaman ang canilangguinagawa (Palacpacan).
Talastas ng̃ lahat ang Bayan sinilang̃an ng̃ ating ipinag-gagalacng̃ayon, iyang dacong sinisicatan ng̃ maliwanag na